“Kilala mo ko. Hindi ko alam kung totoo bang may langit. Di rin naman ako siguradong may impyerno. Di ko rin alam sa tuwing may magsasabi saking masaya sila kung totoo ba talaga o nakuntento lang sila. Magkaiba yun. Ibang iba.
Kung mamatay ba ko mamayang gabi mabubuhay kaya ako uli sa anyo ng ibang tao? O baka animal? Di ko alam. Wag naman sana. Eto pa. Di ko na alam kung ano uunahin ko.
Milo everyday ba o Yakult everyday?
Ang gulo gulo.
Di ko rin alam kung bakit pag “close” ka sa isang tao, “open” kayo sa isa’t isa.
Labo no?
Alam mo ba kung bakit pag saging ang nakatuhog-banana cue, pag kamote- kamote cue tapos pag kabayo carousel???
At kung talagang walang kamay ang mga ibon eh why do birds suddenly apir?
Pakiexplain.
Walang sense di ba?
Ang dami kong tanong. Hindi ko masagot. Kagaya ng hindi ko alam kung anu mangyayari sakin kung magsalita ako ng tuloy tuloy at hindi ako huminto kahit sabihin mo pang huminga naman ako dahil baka mawalan ako ng malay kakasalita hindi kita pakikinggan kasi hindi mo na ko kayang maapektuhan at wala na kong akong pakialam kasi gusto ko lang malaman kung tinodo ko ba to if may tao na bang namatay sa sobrang dami ng sinabi sa isang walang hingahan at walang putol at tuloy tuloy na pagsasalita?
Di ko alam.
Di ko rin naman nagawa eh.
Anjan ka pa ba?
Minsan kasi hindi ko na alam kung bakit andito pa ko.
Hindi ko na rin alam kung pano ko huhugutin yung sarili ko sa pinagkakalubugan ko dahil hindi ko alam kung saan ako maguumpisa at kung may natitira pa ba.
Lalim no?
At mas lalong hindi ko na alam kung anung paniniwalaan ko dahil niloko nila ako nung sinabi nilang wala pa ring tatalo sa Alaska.
Dami na kaya.
Pero eto yun eh…
Makinig ka.
Sa’yo naniniwala ako.
Totoo ka naman di ba?”
Related posts:
Anyway, I think my dislike for people posting food on Facebook to show off their culinary affluence is slowly enlarging into a misanthropy toward the whole of mankind. Okay, maybe not everyone. That w...
My name is Von. I am the greatest thing since indoor plumbing. I am that from which great minds are formed. I am that tingling sensation women feel when they were high school girls with crushes on gu...
Do you know how life tries to convince you to make lemonade when it gives you lemons? Well for the past few years, life has been throwing me a few lemons. Okay, that’s putting it mildly. Here’s what...
Dear Mama, By the time I post this it means you are no longer with us. I have attempted to give you this letter numerous times but always with a nagging hesitation that it might upset you or cause...