Totoo Ka Naman Di Ba?

“Kilala mo ko. Hindi ­ko alam kung totoo bang may lang­it. Di rin naman ako siguradong may impyerno. Di ko rin alam sa tuwing may magsasabi saking masaya sila kung totoo ba talaga o nakuntento lang sila. Magkaiba yun. Ibang iba. 

Kung mamatay ba ko mamayang gabi mabubuhay kaya ako uli sa anyo ng ibang tao? O baka animal? Di ko alam. Wag naman sana. Eto pa. Di ko na alam kung ano uunahin ko. 

Milo everyday ba o Yakult everyday? 

Ang gulo gulo. 

Di ko rin alam kung bakit pag “close” ka sa isang tao, “open” kayo sa isa’t isa. 

Labo no? 

Alam mo ba kung bakit pag saging ang nakatuhog-banana cue, pag kamote- kamote cue tapos pag kabayo carousel??? 

At kung talagang walang kamay ang mga ibon eh why do birds suddenly apir? 

Pakiexplain. 

Walang sense di ba? 

Ang dami kong tanong. Hindi ko masagot. Kagaya ng hindi ko alam­ kung anu mangyayari ­sakin kung magsalita ­ako ng tuloy tuloy at­ hindi ako huminto ka­hit sabihin mo pang h­uminga naman ako dahi­l baka mawalan ako ng­ malay kakasalita hin­di kita pakikinggan k­asi hindi mo na ko ka­yang maapektuhan at w­ala na kong akong pak­ialam kasi gusto ko l­ang malaman kung tino­do ko ba to if may ta­o na bang namatay sa ­sobrang dami ng sinab­i sa isang walang hin­gahan at walang putol­ at tuloy tuloy na pa­gsasalita? 

Di ko alam. 

Di ko rin naman nagawa eh. 

Anjan ka pa ba? 

Minsan kasi hin­di ko na alam kung ba­kit andito pa ko. 

Hindi­ ko na rin alam kung ­pano ko huhugutin yung sarili ko sa pinagkakalubugan ko dahil hindi ko alam kung saan ako maguumpisa at kung may natitira pa ba. 

Lalim no? 

At mas lalong hindi­ ko na alam kung anung ­paniniwalaan ko dahil niloko nila ako nung sinabi nilang wala pa ring tatalo sa Alaska. 

Dami na kaya. 

Pero­ eto yun eh…

Makinig ­ka.

Sa’yo naniniwala ako.

Totoo ka naman di ba?­”