Huy! Relax. Hinga ng malalim. Wala ka sa gubat. Nasa Pilipinas ka na. Normal lahat ng nakikita mo. Oo. Yang mamang nakikita mong umiihi sa pader? Normal yan! Aba puta nagtetext pa!!! Eto pa. Yang apat na taong nakasakay sa motorsiklo sabay may baby pang karga yung nanay? Normal yan! Yung babaeng naisnatch yung bag kanina ng tanghaling tapat? Normal yan! Umupo ka dyan. Wag ka magtaka. Walang himala. Wag ka matakot. Andito ako. Wag ka na magtanong. Ieexplain ko sayo. Onga pala, welcome to da Pilipins! O game na. Makinig ka.
Okay?
Okay.
Unang una alam ko mainit sa bansa namin. Nakakainit din ng ulo di ba? Pero dapat alam mo rin na may mga tao sa kabilang dako ng mundo na hindi pa nakakakain ng tatlong araw at kalahati. Maswerte ka pa. Nakalabas ka ng airport namin ng walang aberya at nakaligtas ka sa mga nagtatanim ng bala sa baggage area. Malamang hi-tech ang bag mo o sadyang mahirap buksan. Yan ang dahilan kung bakit nagkalat ang mga bag na nakabalot sa plastik. Di ba?! Daig pa ang skinless longganisa! Hindi naman sa ayaw nilang pinakikialaman ang bag nila, sabihin na nating ayaw lang nilang makulong.
By the way, kami nga pala ang title holder ng Worst Airport in the World. Proud kami jan. Hanggang ngayon ayaw namin patalo eh! Nagsimula kaming mag back to back champion nung 1990s hanggang ngayon. Next year sana kami pa rin ang champion. Nakaka proud lang.
Masaya naman dito. Pero hindi palagi. Yung taxing sinakyan mo na siningil ka ng 500 pesos at hinatid ka sa destinasyon mo sa loob ng tatlong minuto medyo ginulangan ka sa pera. Mukha ka kasing may kaya. Alam mo ba na meron din kaming Grab at Uber? Next time alam mo na sasakyan mo.
Pero mababait din naman yung iba samin. Hindi lahat tuso, manggagansto at manloloko. Lalo na ako. Never kitang lolokohin. Pramis yan. Onga pala, wag ka mawiwirduhan sa mga pangalan namin ha? Paulit ulit kasi. Jonjon, Rikrik, Teptep, Lenlen, Gingging, Tenten, Lotlot, Cheche, Maimai, Nene, Junjun, Yanyan. Kaya kung gusto mo makisama dapat may pinoy name ka din! Wag lang Pepe! Yan din kasi ang tawag sa ano ng mga ba…basta wag yan.
Minsan may mga tatawag sayo na- Pssst! o kaya- Huy!!! May kasamang nguso pa yan. Wag magtaka. Ikaw din yan. Lingon ka. Pansinin mo.
Pasaway pala kami sa mga road at traffic signs. Dapat alam mo to. Baka kasi mamaya tumatawid ka na sa kalagitnaan ng kalsada na may naka paskil na- Wag Tumawid May Namatay Na Dito-bawal yan ha? Pero pansin mo na walang sumusunod na pinoy jan. Dapat kasi may piktyur ng tumawid na nasagasaan at sumabog ang utak para paniwalaan ng pinoy eh. Ayaw namin ng binabasa lang! Tamad kami magbasa!
Baka sabihin mo puro bad naman. Eto naman ang good news- madami kang mabibili dito. Mura ang mga bilihin at pwede pa maging mas mura! Paano? Tawaran mo! Wag ka mahiya. Kahit pa sa Rustans o Rockwel pa yan tawad lang! Tawad lang ng tawad! Sa Baguio may palaka na coin purse tska yung barrel man. Sa Pampangga naman matitikman ang mga pinakamasarap na lokal na pagkain tulad ng sinigang, adobo, dinuguan, balot, sisig, pansit, karekare at halohalo (tangina di ba hindi lang pangalan, pati pagkain inuulit din!) Pumunta ka ng Quiapo at may mga agimat na pwede kang gawing superhero pag suot mo ito. Hindi ka tatablan ng bala ng baril. Kung may time ka, try mo. Sa ilalim ng tulay sa Baclaran ay may mga mantikang nakabotelya na pampaparegla at pampagana sa kama. Garantisadong pag pinahid mo ito sa iyong pagkalalaki ay hindi ka lalabasan ng mahigit isang oras. At para masubukan mo kung totoo, sa kahabaan naman ng Quezon Avenue ay makabibili ka ng aliw sa napakamurang halaga. Inuulit ko. Lahat pwede tawaran. Pati si ate!!! Hehe. By the way, kung sakaling delayed si ate, balik kang Baclaran, bilhin mo yung pamparegla. Ayos?
Magiingat ka lang dahil kung mura halos lahat ng bagay dito, mahal naman ang pagpapagamot. Pero kung sakali man na sumakit ang iyong ari pagkalipas ng isang buwan mula ng pagtatalik, wag ka matakot. Normal din yan! Madami akong kilalang ganyan! Andiyan sina Miguel Rodriguez, Dick Israel, Paquito Diaz, Dindo Fernando, Alfie Anido, Tony Ferrer, Ramjen Revilla, George Estregan, isama mo na pati sina Lilia Cuntapay, Michael Jackson at Wengweng! Kaya magingat at mag condom ka! Sa 7-11 pala makakabili ng condom.
Wag mo na tawaran to.
Hayop ka.
O pano? Ready ka na? Kung may tanong ka, wag ka mahiya ka naman. Bawat kanto ng kalsada sa buong Pilipinas may tambay na pinoy na walang magawa at handang umalalay sayo. Kung gusto mo sumabit sa jeep sabit lang! Kung gusto mo umihi kahit saan pwede yan! Kung gusto mo tumawid sa gitna ng kalsada ingat lang! Kung gusto mong magartista kahit wala kang singkong duling na talent at may konting hitsura ka lang pasok na yan! Magkaka album ka pa! Kung mahuli ka sa kalsada at may dalawang daang piso kang pangabot sa pulis pwede na yan! Kung short ka sa pera ay pwede ka umutang sa suki mong tindahan! At kung gusto mo kumita ng milyon milyong salapi…mag politika ka! At hindi mo na kailngang magsimula sa baranggay. Kung may pera ka naman ideretso mo na sa senado yan!
O ano? Magiingat ka pareng Pepe! Una nako! Maraming salamat sa oras na…Psst!!! Huy!!!! Anu ka ba!!! Wag mo ipatong yung bag mo jan! Yung katabi mo na mukhang tutyal? Magnanakaw yan!
Nakinig ka ba???!!! Ayan tayo eh…
Bahala ka na! Pinayuhan na kita! Malaki ka na! And if at first, you don’t succeed, keep flushing!!! Hahahaha! Ok bye.
Related posts:
I sat down for a while. I looked around and suddenly had that awful sinking feeling. I probably shouldn’t use sinking as an adjective- when I’m on a boat- in the middle of the ocean.
Somehow, you managed to survive another day. The night is so, so young and short. This is the part where you find your usual quiet sweet spot, smoke your Winston Lights, look up to the sky, and pose t...
My name is Von. I am the greatest thing since indoor plumbing. I am that from which great minds are formed. I am that tingling sensation women feel when they were high school girls with crushes on gu...
“Kilala mo ko. Hindi ko alam kung totoo bang may langit. Di rin naman ako siguradong may impyerno. Di ko rin alam sa tuwing may magsasabi saking masaya sila kung totoo ba talaga o nakuntento lang s...